Wednesday, 19 September 2018

UST,Binantaan ng Pagbobomba

"PAGSABOG"
Photo by: Google
Bryan Andil, Ang Aplaya
   
Nakatanggap ng isang pagbabanta ng ang pagpapasabog umano ng bomba na pinadala mismo sa pamamagitan ng isang text message ang Unibersidad ng Santo Tomas (UST), Setyembre 19, 2018.

Sinabi sa text message na ang bomba ay nakatakdang sumabog sa kampus sa Miyerkules ng tanghali, ayon kay Anakbayan UST sa isang post nito sa Twitter.

"Dahil 'di pa natuloy ang pagpapasabog sa Mapua University, ipagpatuloy namin ito sa UST Manila sa dapit alas dose ng tanghali. Ipasa ito at mabuhay ang New People's Army!"

 Ayon sa ulat mula sa Manila Police District, wala umanong mga bomba ang natagpuan matapos ang operasyon sa paghahanap rito na isinagawa ng District's Explosive and Ordinance Division (EOD), sa nasabing araw.

Hindi naman sinuspende ang mga klase at trabaho matapos maiulat ng EOD an tungkol sa mga eksplosibo.

 Sinasabing isang medical technology student ang nakatanggap ng mensaheng pambobomba, ayon sa kapulisan ng Maynila.

Matatandaan din noong Martes ng gabi ang Unibersidad ng Mapua ay nagsuspende dahil rin sa nasabing pagbabanta.

Ngunit ayon naman sa Manila pulis wala rin namang natagpuang bomba sa unibersidad.

No comments:

Post a Comment