UST,Binantaan ng Pagbobomba
 |
"PAGSABOG"
Photo by: Google Bryan Andil, Ang Aplaya |
Nakatanggap ng isang pagbabanta ng ang pagpapasabog umano ng bomba na pinadala mismo sa pamamagitan ng isang text message ang Unibersidad ng Santo Tomas (UST), Setyembre 19, 2018.
Sinabi sa text message na ang bomba ay nakatakdang sumabog sa kampus sa Miyerkules ng tanghali, ayon kay Anakbayan UST sa isang post nito sa Twitter.
"Dahil 'di pa natuloy ang pagpapasabog sa Mapua University, ipagpatuloy namin ito sa UST Manila sa dapit alas dose ng tanghali. Ipasa ito at mabuhay ang New People's Army!"
Ayon sa ulat mula sa Manila Police District, wala umanong mga bomba ang natagpuan matapos ang operasyon sa paghahanap rito na isinagawa ng District's Explosive and Ordinance Division (EOD), sa nasabing araw.
Hindi naman sinuspende ang mga klase at trabaho matapos maiulat ng EOD an tungkol sa mga eksplosibo.
Sinasabing isang medical technology student ang nakatanggap ng mensaheng pambobomba, ayon sa kapulisan ng Maynila.
Matatandaan din noong Martes ng gabi ang Unibersidad ng Mapua ay nagsuspende dahil rin sa nasabing pagbabanta.
Ngunit ayon naman sa Manila pulis wala rin namang natagpuang bomba sa unibersidad.
Php 3.4 Bilyong Budget, Ilalaan sa DA
 |
"KATAS NG HIRAP" Photo by: Google
Bryan Andil, Ang Aplaya
Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) noong Miyerkules na ₱ 3.4 bilyon umano ang halaga na ilalaan sa Subsidy 2 Credit (S2C) program of Department of Culture (DA) para sa taong 2019 at para rin sa loan program ng mga magsasakang Pilipino.
“Ang programa ng S2C ay mag-aalok ng kakayahang pag-papautang na hindi collateralized ang produksyon ng pautang, mabilis na pagtugon nito na walang interest sa oras ng pangangailangan lalo na kung may kalamidad,” puna ng DBM secretary Benjamin Diokno.
Bilang karagdagan, ang programa ay nagtatag ng credit windows upang suportahan ang mga negosyong pang agrikultura at upang pondohan ang mga organisasyon ng mga magsasaka na nakibahagi sa kalakalan marketing at pagproseso ng mga produkto ng agri-fishery.
Upang matiyak ang pagiging epektibo ng S2C, ang DA ay nilikha ng mga Credit Management Teams (CMT) upang mas maipakita ang mga potensyal borrowers at ng Loan Facilitator Teams (LFTs) sa bawat lalawigan na may tungkuling tulungan ang mga magsasaka at iba pang mga kalahok sa larangan ng agrikultura.
Ang programa ay magkakaroon din ng mga pribadong institusyon na nagpapatunay sa mga kwalipikadong magsasaka at pangingisda upang madagdagan ang kanilang pakikilahok sa agrikultura.
“The DA plans full implementation of the S2C program by FY 2020,” dagdag pa ng DBM.
|
No comments:
Post a Comment