Mga mamamahayag, hinahasa ang galing para sa parating na DSPC 2018
![]() |
Photo by: Athena Bordones Pauline Calantas, Ang Aplaya |
Limang distrito sa Dibisyon ng Iloilo ay muling magkikita upang magkaroon ng kompetisyon sa larangan ng journalism sa Division Schools Press Conference (DSPC) na gaganapin sa Oton National High School (ONHS) sa darating na Setyembre 22 hanggang 23 2018.
Gayunpaman, inaasahan na 3,000 partisipante ang dadagsa sa DSPC ngayong taon. Maglalaban laban ang mga nakikilahok sa iba't ibang kategorya ng journalism katulad ng pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, pagbobroadcast, pag eedit at marami pang iba.
"Nakakakaba isipin ngunit na eexcite ako para sa kompetisyon" Ayon sa isang partisipante sa DSPC ngayong Sabado.
Ang aktibidades na ito ay inihanda sa mga batang may potensiyal sa pamamahayag at para mahasa ang kanilang talento sa kategorya na kung saan sila naaayon. Sa karagdagan, ay malaking oportunidad na makapasok sa DSPC dahil maipapamalas pa lalo ang talento sa iba't ibang kategorya.
"Sana manalo ang karapat dapat na manalo upang mabigyang hustisya ang kanilang sakripisyo at mga pagod na inilaan para mapaghandaan ang kompetisyon," Ayon kay Freshell Danelle Rubite manlalahok para sa DSPC 2018.
Sa ngayon ay todo ensayo ang mga kalahok para paghandaan ang ang labanan sa Sabado na sa ONHS. Ang mananalo sa kompetisyon na ito ay maaring magpatuloy sa susunod na paglalaban na kung saan ay ang Regional Schools Press Conference (RSPC).
No comments:
Post a Comment