BALITANG LATHALAIN

Makakaahon nga ba?

 
"Kasalukuyang datos ng pagtaas ng Inflation Rate sa buwan ng Agosto"
Photo by: Google
Sweet Jenary Tacsagon, Ang Aplaya


Hindi na tayo bihag ng ibang bansa ngunit bakit patuloy ang ating paghihirap? Bihag tayo ng sarili nating bansa na siya lalong nagpapahirap sa atin.

“Ang mahihirap ay lalong naghihirap at ang mayayaman ang lalo lang yumayaman.”

Umaaray ang libo-libong mamamayang Pilipino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin o ang tinatawag na Inflation Rate dulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Naapeektohan nito ang iba’t-ibang ekonomiya, simula sa interest rate, tax policies, maging sa gastos ng mga mamimili. Nagkukulang ang budget ng ibang pamilya dahil sa mga biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Simula sa 5.7% sa buwan ng Hulyo 2018 ay naging 6.4% sa buwan ng Agosto 2018 na siyang naging pinakamataas simula Marso 2009, dahil ito sa biglaang pagtaas ng pagkain at non-alcoholic beverages.

Taon-taon nagbabago ang presyo ng mga bilihin ngunit ngayon itinalaga na may pinakamataas nap ag-akyat ng presyo na bumutas sa bulsa ng mga mamamayan.
Maliban sa mga pangunahing bilihin, tumaas din ang presyo ng mga sigarilyo, alak, kagamitan sa bahay, tubig, kuryente at maging ang presyo ng mga serbisyo sa iba’t-ibang uri ng establishimento.

Ang Inflation Rate any ang pagtaas nng presyong mga  biihin mula sa normal nitong presyo. Lahat ng presyo ay maaari nitong maapektuhan. Patuloy parin ang paghihirap ng mga kababayan nating Pilipino.

No comments:

Post a Comment